^

Probinsiya

Magsasaka itinumba ng NPA rebels

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niratrat ng apat na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad ang isang magsasaka matapos na mapagkamalan itong informer ng militar sa naganap na karahasan sa Brgy. Riverside, Isabela, Negros Occi­dental kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rolan Dadlis, 28- anyos, residente ng nasabing lugar. Ang biktima ay natadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular na sa kaniyang ulo na siyang agarang ikinamatay nito.

Sa ulat ng Negros Occidental Police, kasalukuyang nasa bisinidad ng kanilang bakuran ang biktima ng biglang su­mulpot ang apat na armadong kalalakihan na nagpakila­lang mga rebelde saka niratrat ang biktima.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas matapos isa­gawa ang krimen.

Lumilitaw sa pangunang pagsisiyasat na napagkamalan ng mga rebelde na informer ng militar ang biktima.

Narekober naman ng nagrespondeng awtoridad sa lugar ang mga basyo ng bala ng M16 rifle.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

vuukle comment

BRGY

ISABELA

KINILALA

LUMILITAW

NAREKOBER

NEGROS OCCI

NEGROS OCCIDENTAL POLICE

NEW PEOPLE

ROLAN DADLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with