Shabu package nasabat sa Zambo aiport
MANILA, Philippines – Higit 200 gramo ng shabu ang naharang sa Zamboanga International Airport sa lugnsod ng Zamboanga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.
Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nakalagay sa apat na pakete ang shabu nang makumpiska nitong kamakalawa lamang .
May kabuuang timbang ang ilegal na droga na aabot sa 219.40 gramo.
Sinabi pa ni Cacdac na dadalhin sana sa Jolo, Sulu ang droga na ibinalot pa sa sa itim na carbon paper saka binalutan ng packing tape.
“The package was sent by a certain Abdusahar Sabial Albi of Panguio Street, Las Piñas City to a certain Nadzmer Muradjam using a local courier service to be delivered to one of its branches in Jolo, Sulu," banggit ni Cacdac.
Dinala na sa police regional Crime Laboratory sa Camp Batalla, Zamboanga City upang suriin.
"Some drug traffickers think that the safest option to move illegal drugs quickly but covertly is through parcel mail. Detection is much lower due to the condition of anonymity using fictitious names to mislead authorities. But given the result of the interdiction operation, they should think otherwise," he said.
Noong Nobyembre 2013 ay 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon ang naharang din sa international aiport.
Dadalhin sana ang droga patungong Tawi-tawi.
- Latest