Mag-ina nilamon ng apoy
MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng 66-anyos na nanay at anak nitong special child na babae matapos makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Imelda Village, Barangay Brookside, Baguio City noong Miyerkules ng hapon.
Ang mag-inang Rafaela Racquel Lutgarda Sabado, at Sharon Fatima Sabado, 33, ay natagpuan ng mga bumbero na magkayakap sa palikuran ng kanilang bahay sa Roxas Street, Purok 1 sa nasabing barangay.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Baguio City, nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-3 ng hapon matapos tumumba ang kandila habang ang mag-ina ay namamahinga sa loob ng kanilang bahay.
Isa sa kapitbahay na si Roberto Bakisan ang nakaÂrinig na humihingi ng saklolo ang mag-ina kaya tinungo niya ito para tulungan subalit naka-lock ang pintuan at may lumaÂlabas na makapal na usok mula sa bahay ng paÂmilya Sabado.
Rumesponde naman ang mga bumbero at naaÂpula ang sunog bandang alas-4 ng hapon.
Napag-alamang iniwan ni Orlando Sabado, 65, ang kanyang mag-ina upang ayusin ang ilang gamit sa bagong bahay na lilipatan nila at hapon na ng itawag sa kaniya ng ilang kapitbahay na nasusunog ang kanilang bahay.
Nadamay sa sunog ang bahagi ng bahay na pag-aari ni Annie Fermin
Ayon sa mga bumbero ang kandilang natumba ang isa sa sanhi ng sunog matapos na maputulan ng kuryente ang bahay ng pamilya Sabado.
Inaalam pa ni SFO2 Arsenio Kido Palangdosan ang halaga ng ari-arian tinupok ng apoy.
- Latest