Simbahan pinagnakawan

CAMARINES NORTE, Philippines – Hindi na nakonsiyensya ang mga di-kilalang lalaki na may sa demonyong kaisipan matapos looban ang  pinakamatandang simbahang sa bayan ng Mercedez sa Camarines Norte  kahapon ng umaga. Bandang alas-5:35 ng umaga nang madiskubre ng organistang si Gerry Jardin na nawawala ang Yamaha Organ ng St. John the Baptist Church sa Purok 4. Nadiskubre rin ng security guard na si Junel Lavinia na winasak ang kandado na kinalalagyan ng organ. Pinaniniwalaang dumaan sa likuran ng altar ang kawatan saka lumabas sa kabilang pintuan ng simbahan. Sa tala ng pulisya, pinagnakawan na rin ang nasabing simba­han  noong Oktubre 2013 kung saan tinangay ang amplifier nito.

Show comments