^

Probinsiya

15-anyos minolestiya ng guro

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng ala­nganing makulong ang mister na guro matapos ireklamo ng 15-anyos na mag-aaral kaugnay ng kasong sexual harassment at child abuse sa loob ng classroom sa bayan ng Lian, Batangas, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Batangas PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang inireklamong suspek na si Jeeper Bisnan ng Ba­rangay Luna sa bayan ng Tuy, Batangas.

Sa salaysay ng biktima, naganap ang unang insidente sa silid-aralan ng Lian Institute noong Martes ng hapon kung saan ay tinakot pa ang dalagita na ibabagsak sa Physics kapag pu­malag at magsumbong laban sa suspek.

Nabatid na naunang inutusan ng suspek ang biktima na pumasok sa kanilang silid-aralan habang nagsiuwian naman ang mga kasamahang estudyante matapos ang periodical test.

Dito na muling siniil ng halik ng buhong na guro ang dalagita at muling pinagla­lamas sa maseselang bahagi ng katawan.

Napilitan naman ang biktima na ipagtapat ang insidente sa isa nitong kamag-anak kaya inireklamo ang nasabing guro sa himpilan ng pulisya kamakalawa.

Samantala, ipinagharap na rin ng kasong sexual harassment at child abuse ang suspek sa Provincial Pro­secutor’s Office ng Balayan, Batangas.

Habang pinaghahanap naman ang suspek na tumakas matapos na mabatid na ipinagharap siya ng reklamo.

BALAYAN

BATANGAS

CAMP CRAME

DITO

HABANG

JEEPER BISNAN

LIAN

LIAN INSTITUTE

PROVINCIAL PRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with