^

Probinsiya

3 todas sa NLEx

Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines - Trahedya ang sumalubong sa Bagong Taon laban sa tatlo-katao matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa nakaparadang trak sa gilid ng North Luzon Expressway sa Barangay Ligas, Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay sina Cynthia Medina, 49, ng Urdaneta City; Consuela Repolyo, 45, ng Asingan, Pangasinan; at si Albert Manalili, 40, ng Sta. Cruz sa Tarlac habang naisugod naman sa Bulacan Medical Center ang sugatang si Imelda Marcelo, 43, ng San Manuel, Pangasinan.

Inaresto naman ng pulisya ang drayber ng Mitsubishi van (TKY-159) na si Juanito Ibañez, 50, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Guilberto Punzalan ng Malolos City Traffic Division, lumilitaw na pansamantalang ipinarada ni Eric Bactol ang minamanehong 10-wheeler truck (UUD739) sa emergency shoulder ng nasabing highway upang magbawas dahil sa tawag ng kalikasan.

Gayon pa man, biglang sinalpok ng van ni Ibañez ang likurang bahagi ng truck kung saan napisak ang tatlo.

Samantala, inamin naman ni Ibañez sa pulisya na nakaidlip siya habang nagmamaneho kaya naganap ang insidente.

ALBERT MANALILI

BAGONG TAON

BARANGAY LIGAS

BULACAN MEDICAL CENTER

CONSUELA REPOLYO

CYNTHIA MEDINA

ERIC BACTOL

GUILBERTO PUNZALAN

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with