^

Probinsiya

Bus vs bike 2 patay, 1 kritikal

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Hindi na matutuloy ang nalalapit na kasal ng 23-anyos na binatang seaman sa kanyang kasintahan matapos itong bumulagta kasama ang angkas na kaibigan sa motorsiklo makaraang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan kahapon ng madaling araw. 

Kinilala ni P/Insp. Benny Centino ang dalawang namatay na sina Joseph Quiban at Julius Pulido, 23, habang kritikal naman ang isa pang kaangkas na si Lyndon Ordoñez, 18.

Si Iban ay nagbakasyon lamang at nakatakda sanang ikasal sa susunod na buwan sa bayan ng Laoac, Pangasinan.  

Sinasabing lango sa alak ang mga biktima nang sumalpok sa kasalubong na Partas Bus Liner na minamaneho ni Juanito Salazar ng Bangar, La Union kung saan ito sumuko sa pulisya.

Nabatid na nakaladkad pa ng bus ang motorsiklo ng mga biktima kung saan ay nagkaroon ng spark mula sa tumapong gasolina kaya sumabog ang tangke nito at nasunog din ang nasa­bing bus na patungo sana ng Pasay City mula sa bayan ng Candon, Ilocos Sur.

Wala namang nasugatan sa 49 pasahero ng bus na mabilis na nakababa habang nilalamon ito ng apoy.

vuukle comment

BARANGAY ANONAS

BENNY CENTINO

ILOCOS SUR

JOSEPH QUIBAN

JUANITO SALAZAR

JULIUS PULIDO

LA UNION

LYNDON ORDO

PANGASINAN

PARTAS BUS LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with