4 bumbero iniimbestigahan sa pagkamatay ng sanggol
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Apat na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nakahimpil sa kinamatayan ng 3-buwang gulang na sanggol sanhi ng ligaw na bala ang iniimbestigahan ng pulisya sa bayan ng CaÂuayan, Ilocos Sur.
Sa pahayag ni Ilocos Sur Provincial Director P/Senior Supt. Jemar MoÂdequillo, kusang pumayag ang mga bumbero na sumailalim sa paraffin test at isuko ang kanilang mga baril.
Ang binuong investigating task force na pinamunuan mismo ni Modequillo kaugnay sa pagkamatay ng sanggol na si Vhon Alexander Antero (hindi Llagas gaya ng unang ulat) ng Barangay Anonang kung saan tinamaan ng ligaw na bala.
Matatandaan na naÂtutulog ang sanggol katabi ng kanyang ama na si Valeriano, isang construction worker nang tumagos sa kanilang bahay ang hindi pa nalalamang kalibre ng baril na tumama sa ulo nito noong kasadsaran ng putukan ng Bagong Taon.
Sinabi ni Modequillo na ipinag-utos nito ang census at pagsisiyasat sa iba pang kagawad ng pulisya, military, mga sekyu at firearms holder na naninirahan sa loob ng 150-metro mula sa crime scene.
Nangako rin si Anonang Chairperson Gondalina Tugade na tumulong sa imbestigasyon upang matukoy sa kanyang barangay ang trigger happy gunman.
Naunang nagpalabas ng P250,000 pabuya si Gob. Ryan Singson para sa anumang impormasÂyon para matukoy ang suspek.
- Latest