^

Probinsiya

Lalaki wasak ang mukha sa paputok

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos nawakwak ang muk­ha at ulo ng 24-anyos na lalaki matapos masabugan ng improvised na paputok sa  Barangay Lamot 2, bayan ng Calauan, Laguna sa unang araw ng 2014.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz na isinu­mite sa Camp Crame, ki­ni­lala ang biktima na si Raymond Amante ng Sitio Hardinan kung saan nabi­gong maisalba ang buhay sa PPL Bay Hospital.

Nabatid na naisipan ng biktima at utol nitong lalaki na paputukin ang natitira pa nilang bombshell (boga) na sinasabing gawa sa PVC pipe.

Ang boga ay isa sa ipinag­babawal na paputok ng PNP at maging ng Department of Health dahil lubha itong mapanganib gamitin kung saan posibleng ikabulag o ikaputol ng kamay ng sinumang ma-sasabugan nito.

Gayon pa man, habang pinapuputok ang boga ay hindi kaagad ito sumabog kaya sinilip ng biktima ang dulo ng paputok.

Eksakto namang su­ma­bog na sumapul sa muk­ha at ulo ng biktima na ba­gaman naisugod pa sa pagamutan ay namatay din ito.

 

vuukle comment

BARANGAY LAMOT

BAY HOSPITAL

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF HEALTH

PASCUAL MU

RAYMOND AMANTE

SENIOR SUPT

SHY

SITIO HARDINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with