Kawani ng STL binoga ng tanod

QUEZON, Philippines — Tugis ngayon ng pulisya ang hepe ng barangay tanod makaraang walang habas na mamaril at makapatay ng isang kawani  ng Small Town Lottery (STL) sa Barangay Silanganan, bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinasuhan na ng homicide ang suspek na si Ronnie Panganiban, 41, may-asawa, at nakatira sa nasabing barangay habang nakilala ang napatay na si Cezar Patal, 46, ng Barangay Bayanihan. Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-3 ng hapon habang nakatayo ang biktima nang biglang dumating ang suspek  na sinasabing lango sa alak at walang habas na nagpaputok ng baril. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima sa ulo saka mabilis na tumakas.

Show comments