^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 3 patay, 37 sugatan

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang araw matapos ang sakuna na dalawa ang namatay at 32 ang na­sugatan, isa na namang road mishap ang naganap kung saan tatlo ang sinalubong ni kamatayan habang 37 iba pa ang sugatan matapos mahulog ang cargo truck sa malalim na bangin sa bahagi ng Brgy. Ilihan, bayan ng Tabogon, Cebu kama­kalawa.

Kinilala ang mga na­matay na sina Juvelyn Pueb­la, 20; Leonard Ybañez ng Caduawan, Tabogon; at si Warren Cañas, 13.

Samantala, sugatan naman sina Maylord Omo­nares, Marsing Binabay, Bellano Tul-id, Enda Ybañez, Merlinda Masong, Jeslie Tul-id, Teresa Tu­ling, Jonel Tul-id, Eugene Sumayang, Leo Amigable, Jason Cogal, Julie Ann Puebla, Maria Billy Puebla, Irene Monesit, Rudy Monisit, Michelle Sumayang, Kayan Tuling, Gingging Amigable, Gilbert Cogal, Benjie Tul-id, Ruth Albuno, Perla Abayon, Danica Abayon, Juven Puebla, Jhares Ybañez, Violeta Ornopia, Edgardo Escaña, Ailene Motalbo, Loreta Manalic, at ang pitong menor-de-edad.

Ayon kay PO3 Epifanio Comedido, ang mga biktima na pawang survivor noong manalasa ang bagyong Yolanda noong Nob. 8 ay mga manggagawa sa plantasyon ng tubo sa Bogo City.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, lumilitaw na patu­ngong bayan ng Tabogon ang cargo truck na minamaneho ni Juvy Pedrano para sunduin ang mga biktima nang masagi ng trak ni Norman Monteron na nag-overtake pagsapit sa pataas na kalsada sa Sitio San Antonio.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Pedrano.

Gayon pa man, nagtuluy-tuloy sa may 15 metrong lalim na bangin ang trak ni Pedrano kung saan naipit ang tatlong biktima.

Nabatid na nag-overtake ang trak ni Monteron sa sasakyan ni Pedrano nang makasalubong ang motorsiklo kaya muling bumalik sa kanyang linya subalit nasagi ang unahang bahagi ng trak ng mga biktima.

Sina Pedrano at Mon­teron nakaligtas naman sa sakuna habang patuloy ang imbestigasyon.

 

AILENE MOTALBO

BELLANO TUL

BENJIE TUL

BOGO CITY

DANICA ABAYON

PEDRANO

SHY

TABOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with