^

Probinsiya

Taiwanese trader nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailigtas ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isang negosyanteng Taiwanese na dinukot ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) noong nakalipas na buwan sa isinagawang operasyon sa liblib na lugar sa Talipao, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Col. Jose Johrie­l Cenabre, Commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu ang nasagip na bihag na si Evelyn Chang, isang ne­gosyante sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Cenabre, napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang bihag na si Chang dakong alas-3:55 ng hapon sa Sitio Karija Anil, Brgy. Libam, Talipao, Sulu upang hindi masukol ng tumutugis na puwersa ng pamahalaan.

Sinabi ng opisyal na agad na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng lokal na pulisya at ng 2nd Marine Brigade matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ng bihag na si Chang sa na­sabing lugar.

Sa tala, si Chang ay dinukot ng mga armadong bandido noong Nobyembre 15, 2013 ng taong ito sa Pulao, Pulong-Pulong  Sampurna, Sabbah, Malaysia kung saan dinala at itinago ito ng mga kidnaper sa bayan ng Indanan, Sulu.

Agad namang dinala sa Trauma Hospital sa Camp Teodulfo Bautista sa Brgy. Busbus, Jolo, Sulu si Chang na isinailalim sa medical checkup.

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CAMP TEODULFO BAUTISTA

CENABRE

EVELYN CHANG

JOSE JOHRIE

MARINE BRIGADE

SITIO KARIJA ANIL

TALIPAO

TASK FORCE SULU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with