Ni-rape na 16-anyos, nagbigti
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na 4th year high school na sinasabing ginahasa ng sariling pinsan matapos itong magbigti sa palikuran ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Barangay Bayasong, bayan ng Pilar, Sorsogon. Bandang alas-5 ng hapon nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Jonalyn Gueriba, estudyante ng Bayasong National High School at nakatira sa nasabing bayan. Sa pagsisisayat ng pulisya, nabatid na ang dalaga ay biktima ng panggagahasa ng kanyang pinsan noong Hunyo 2013 kung saan kalimitang nag-iisa at nakatulala sa nasabing school. Pinaniniwalaang hindi matanggap ng biktima ang naging karanasan sa kamay ng sariling pinsan na ngayon ay nakakulong.
- Latest