Raid ng NPA sa police station, silat
MANILA, Philippines - Nasilat ng mga awtoridad ang tangkang pagkubkob ng tinatayang 30 mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa himpilan ng Josefina Municipal Police Station (MPS) sa ZamboÂanga del Sur kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-6:15 ng umaga ng lumusob ang mga miyembro ng NPA sa nasabing istasyon sa bayan ng Josefina. Ang mga rebelde ay nagpanggap na mga awtoridad na may aarestuhin umanong wanted na kriminal. Gayunman, agad itong natunugan ng mga pulis na mabilis na pumosisyon na itinutok ang kanilang mga armas sa grupo ng mga rebelde saka mabilis na rumadyo para sa backup. Mabilis namang nagresponde ang mga eÂlemento ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (PPO), Provincial Public Safety Company at 2nd Maneuvering Company bunsod upang mabilis na magsitakas ang mga rebelde ng mapagtantong dehado sila sa labanan. Naglunsad na ng hot pursuit operation laban sa naturang grupo ng mga rebelde.
- Latest
- Trending