^

Probinsiya

Lolo kinatay ng apo at mag-lover

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines a  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 61-anyos na lolo makaraang pagtulungang saksakin ng sariling ampon na babae at lover nito sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tanqui, San Fernando City, La Union kamakalawa.


Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ricardo Jucutan, biyudo, habang pinaghahanap naman ang mag-lover na suspek  na sina Rachelle Jucutan, 19; at Richard Cabicun, 22, kap­wa naninirahan sa bahay ng biktima.


Naganap ang krimen bandang ala-1:40 ng madaling araw kung saan narinig ng ilang kapitbahay na humihinggi ng saklolo ang matanda.


Ayon sa kapitbahay na si Ernesto Sibayan, nakita niyang palabas ng bahay ng biktima ang mag-lover bago niya nadiskubreng naliligo sa sariling dugo ang matanda.

Narekober sa crime scene ang kutsilyo at ice pick na may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa pagkatay.


Sinisilip ng pulisya ang anggulong pagnanakaw habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY TANQUI

ERNESTO SIBAYAN

KINILALA

LA UNION

RACHELLE JUCUTAN

RICARDO JUCUTAN

RICHARD CABICUN

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with