^

Probinsiya

4 Abu Sayyaf todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang apat na bandidong  miyembro ng Abu Sayyaf Group na responsable sa pagdukot sa mag-asawa sa Basilan matapos makasagupa ang mga ope­ratiba ng pulisya at Philippine Marines sa Pata Island, Sulu kamakalawa.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Abraham Orbita, Sulu PNP director, nakatanggap ng impormasyon ang security forces na itinatago ng mga kidnaper sa Para Island ang mag-asawang bihag na sina Barangay Chairman Pilardo Francisco, at Saharina Francisco, guro sa pampublikong paaralan.

Agad na ikinasa ang ope­rasyon kung saan habang ginagalugad ang nasabing lugar ay nasabat ang apat na bandidong Abu Sayyaf na sakay ng pump boat na humantong sa palitan ng putok.

Gayon pa man, nabigong matagpuan sa Pata Island ang mag-asawang Francisco na posibleng nailipat na ng taguan matapos matunugan ang presensya ng mga ope­ratiba ng pulisya at militar.

Una nang humingi ng P15 milyong ransom ang mga bandido kapalit ng pagpapalaya sa mag-asawa.

Ang mag-asawa ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng fatigue uniform sa pagitan ng karagatan ng Lantawan at Maluso  Basilan noong Sabado (Nobyembre 16).

vuukle comment

ABRAHAM ORBITA

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY CHAIRMAN PILARDO FRANCISCO

BASILAN

PARA ISLAND

PATA ISLAND

PHILIPPINE MARINES

SAHARINA FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with