^

Probinsiya

P36.7-M marijuana sinunog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umaabot sa P36.7 milyong halaga ng marijuana na nasamsam ang sinilaban sa compound ng Police Regional Office sa Camp Brig. Gen. Oscar Florendo sa San Fernando City, La Union kahapon. Sinabi  ni P/Chief Supt. Ricardo Marquez, ang tone-toneladang marijuana ay may kabuuang 185,000 puno, 5,000 seedlings at 500 gramong buto na hinakot ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa kabundukan ng Licungan, Sugpon, Ilocos Sur noong Martes (Nobyembre 13). Ayon kay Marquez, ang mga puno ng marijuana ay itinanim sa pagitan ng mga mais, luya at gulay upang maikubli sa mata ng mga awtoridad. Matatandaan na noong Oktubre, aabot sa P5 mil­yong halaga rin ng marijuana ang sinira sa kabundukan ng Mt. Ibaon, Mt. Agay, Mt. Caang at sa Mt. Baeng sa Barangay Licu­ngan, Sugpon.

 

vuukle comment

BARANGAY LICU

CAMP BRIG

CHIEF SUPT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILOCOS SUR

LA UNION

MT. AGAY

MT. BAENG

MT. CAANG

MT. IBAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with