Donasyon sa Yolanda victims ninakaw sa simbahan
MANILA, Philippines - Aabot sa daang libong halaga na donasyong salapi para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte ang sinikwat ng dalawang kawatan matapos ransakin ang Simbahang Katoliko sa Barangay 3, bayan ang San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa.
Bandang alas-6:30 ng umaga ng madiskubre ni Father Artemio Jusayan, kura paroko ng Carmelite Convent of the Sacred Heart of Jesus na nawawala ang cash donations.
Ang nasabing cash donations ay nakalap na pondo ng simbahan para itulong sa mga biktima ng super bagyong Yolanda sa Leyte partikular na sa Tacloban City na grabeng nasalanta noong Nobyembre 8.
Sa ulat ni P/Senior Inspector Ephraim Detuya hepe ng San Francisco PNP na nakarating sa Camp Crame, nabatid na nagawang makapasok ng mga kawatan matapos wasakin ang bintana at sliding door ng simbahan.
Sa follow-up operations ay nasakote naman ng pulisya ang isang menor-de-edad na itinuro nito ang isang alyas Paquito na nagsama sa kaniya sa simbahan para nakawin ang cash donations na nakalagay sa cash and finance office ng simbahan.
- Latest