103 presong pumuga sa Tacloban, tugis
MANILA, Philippines - Umaabot sa 103 pang preso ang tinutugis ng mga awtoridad matapos makatakas sa Tacloban City Jail nang mawasak ang gate ng piitan sa sobÂrang taas ng tubig dagat na rumagasa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nob yembre 8.
Nabatid na napilitan ang jail warden na buksan ang pintuan dahil mamatay ang mga preso nang mapuno ng tubig-dagat ang naÂsabing kulungan.
Gayon pa man sa halip na lumangoy patungo sa ikalawang palapag ng kulungan ay tuluyang nagsitakas ang mga preso.
Nagawa namang mai-account ang 500 na mga preso pero pinaghahanap pa rin ang 103 presong tuluyang tumakas.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ang iba sa mga preso ay nagsisuko habang nasakote naman ang mayorya sa mga ito matapos na kumpunihin ang mga nasira nitong tahanan matapos ang bagsik ng bagyong Yolanda.
Kaugnay nito, ayon kay PNP Spokesman P/Senior Supt. Wilben Mayor, nasakote ang isang preso na si Francisco Regis na kabilang sa mga tumakas sa Butuan City Jail matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Can-omay, Antequera, Bohol Âkamakalawa.
Nakatakda namang iturn-over ang nasabing pugante sa Tacloban City Jail habang patuloy rin ang pagÂhahanap sa iba pang preso na sinamantala ang bagyo.
- Latest