20 nakipaglibing hulog sa ilog
MANILA, Philippines - Dalawampu-katao ang nahulog sa ilog makaraang buÂmigay ang tulay sa Barangay Magosilum, bayan ng Cantilan, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-5 ng hapon nang bumigay ang municipal bridge na gawa sa lumang kahoy kung saan aabot sa 20-katao ang nahulog na pawang sugatan. Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang pinagsanib na elemento ng PNP Maritime Group at Cantilan PNP sa mga biktimang nahulog sa ilog kung saan wala namang namatay. Nabatid na tumatawid ang mga biktimang makikipaglibing patungo sa Cantilan cemetery ng mangyari ang insidente.
- Latest