Misis inatado ni mister
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Nakaamba ang salubong ni kamatayan laban sa 36-anyos na misis matapos itong pagtatagain ng kanyang mister dahil sa matinding selos kamakalawa sa Barangay Linomot, bayan ng Jones, Isabela. Nasa kritikal na kalagayan ang biktimang si Susan Agbayani habang nasakote naman ang suspek na si Rogelio Agbayani, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ceferino Calayan, hepe ng Jones PNP, lumilitaw na nakarating sa suspek ang impormasyon mula sa ilang kaibigan na may ibang karelasyon ang kanyang misis kung saan pinabulaanan naman ng babae. Humantong sa matinding pagtatalo ang usapan hanggang sa pagtatagain ng suspek ang kanyang misis.
- Latest

















