‘Drug pusher’ itinumba
CEBU , Philippines – Napatay ang 28-anyos na lalaki na sinasabing drug pusher matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Sitio Luwas, Barangay Arpili, bayan ng Balamban, Cebu noong Biyernes ng madaling-araw. Bandang alas-3 ng madaling-araw nang matagpuan ang duguang katawan ni Danilo Sepada ng Barangay Matab-ang sa Toledo City, Cebu. Sa ulat ni SPO1 Jose Villarino, si Sepada na nasa ilalim ng probation dahil sa kasong murder ay naunang pinagsabihan ng kanyang utol na si Billy na iwasang magpunta sa nasaÂbing barangay dahil na rin sa papalapit na bagyong Yolanda. Subalit binalewala ni Sepada ang pakiusap ng kanyang utol hanggang sa mapatay ito habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest


















