^

Probinsiya

10 barko winasak ni ‘Yolanda’

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

CEBU , Philippines   â€“ Umabot sa 10-pampasaherong barko ang nawasak sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas noong Biyernes.

Sa ulat na nakarating kay Commodore William Melad, Philippine Coast Guard (PCG)-Central and Eastern Visayas commander, ang M/V Andrea Princess of Unilink Shipping ay lumubog matapos tangayin ng malaking alon sa pantalan ng Borongan, Samar kung saan 13-katao ang nakaligtas habang anim naman ang nanatiling nawawala at isa ang patay.

Iniulat na walong barko ang naapektuhan sa Eastern Visayas habang siyam naman sa Central Visayas kabilang ang M/V Super Shuttle Ferry 17 na sinasabing lumubog sa Pier 8 sa Mandaue City.

Napag-alamang kargado ng 8,000 litrong krudo at 200 litro ng langis ang nasabing barko kung saan naipaabot na sa Marine Environmental Protection Unit-Central Visayas para sa kaukulang aksyon.

Maging ang M/V Cagayan Bay at  M/V Osamis Bay na kapwa pag-ari ng Gothong Shipping Lines ay sinasabing naputol ang malakadenang tali sa pantalan.

Gayundin ang M/Tug Metro Tug IIay na pag-aaari ng Cebu Harbor Pilot ay sinasabi ring lumubog dahil sa matinding lakas ng alon sa bisinidad ng Santiago Shipyard sa Barangay Ta­yud, bayan ng Consolacion, Cebu. 

Kasalukuyan pang hinihintay ng PCG ang ulat mula sa Tagbilaran City dahil maraming barko ang nakadaung sa pantalan ang naapektuhan ng nasabing bagyo.

Samantala, sa ulat ni P/Chief Insp. Alexander Ancao, hepe ng San Remigio PNP, aabot sa anim na fishing vessels ang lumubog sa pantalan ng Hagnaya kung saan dalawang mangingisda ang iniulat na namatay habang 13 naman ang nakaligtas, at ang dalawang  tripulanteng nawawala na sina Willy Mahinay, 40; at Danny Negre, 30, kapwa nakatira sa Brgy. Cabac, bayan ng Bantayan.

Kabilang sa iniulat na namatay ay sina William Villanueva, 41, ng Barangay Cabac, Bantayan; at ang kapitan ng Tessie Alpha-3 fishing vessel na si Gregorio Mata.

ALEXANDER ANCAO

BARANGAY CABAC

BARANGAY TA

CEBU HARBOR PILOT

CENTRAL AND EASTERN VISAYAS

CENTRAL VISAYAS

CHIEF INSP

COMMODORE WILLIAM MELAD

DANNY NEGRE

EASTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with