Lolo kinatay
MANILA, Philippines - Patay ang isang 72 anyos na lolo matapos itong pagtatagain ng isang lalaking mentally retarded sa Brgy. Banbanan, Roxas, Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Petronilo Recaberte, 72 anyos habang ang suspek naman ay ang kapitbahay nitong si Ronnie Domingo, 22, na may diperensya sa pag-iisip. Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Supt. Ariel Huesca, dakong alas-10 ng umaga nang bigla na lamang pagtatagain ni Domingo ang matanda ng bitbit nitong itak.
Isinugod naman ang suspek sa Zanorte Medical Center matapos itong bugbugin ng mga residente sa lugar.
Nabatid sa imbestigasyon na nagtungo ang suspek sa bahay ng matanda upang humingi ng halamang gamot para sa kaniyang ina nang bigla na lamang itong sumpungin na humantong sa pananaga sa biktima.
- Latest