^

Probinsiya

Jeep swak sa bangin: 20 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines -- Dalawampung katao na kabilang sa 40 pasahero ng isang jumpacked na elf-engine na passenger jeepney ang malubhang sugatan matapos itong mawalan ng preno at nahulog sa bangin sa bulubunduking Brgy. ng Marannao, San Mariano, Isabela kamakalawa.

Ayon kay Dr. Felimon Donato, hepe ng Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital na ang pinaka kritikal sa mga naisugod sa kanila sa kabisera ng Ilagan city ay si Jeremias Tagimacom 50 ng Brgy. Ueg sa San Mariano.

Nabatid na puno hanggang sa tuktok ang jeepney na bumibiyahe papasok ng liblib na Brgy. Ueg at minamaneho ng kagawad doon na si Bernabe Reynaldo nang mawalan ito ng kontrol at preno sa kurbadang bahagi ng daan.

Sumuko sa pulisya ang driver na si Reynaldo matapos ang insi­dente.

vuukle comment

AYON

BERNABE REYNALDO

BRGY

DALAWAMPUNG

DR. FELIMON DONATO

FAUSTINO DY SR. MEMORIAL HOSPITAL

ILAGAN

JEREMIAS TAGIMACOM

SAN MARIANO

UEG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with