^

Probinsiya

Chinese-American tiklo sa mga eksplosibo, bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang Chinese- American national matapos na mahulihan ng mga eksplosibo at mga bala sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasakoteng suspek na si Jennifer Wen Ku, 56, tubong China at isang Chinese –American national.

Ayon kay Gamba, dakong alas- 7:15 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng San Francisco Municipal Police Station at Criminal Investigation and Detection Team sa tinutuluyan ng suspek sa Purok 1A, Brgy 5, San Francisco, nasabing lalawigan.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Hector Salise ng Regional Trial Court (RTC) Bayugan City branch.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pag-iingat ng mga pampasabog at bala ng nasabing dayuhan.

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang 12 rolyo ng detonating cords, isang magazine ng cal. 9mm, 200 piraso ng mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, 48 pirasong bala ng cal .45 pistol at isang sako ng ammonium nitrate.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek na kasalukuyan ng nakapiit sa himpilan ng San Francisco MPS.

vuukle comment

AGUSAN

BAYUGAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

JENNIFER WEN KU

JUDGE HECTOR SALISE

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

REGIONAL TRIAL COURT

SAN FRANCISCO

SAN FRANCISCO MUNICIPAL POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with