^

Probinsiya

Minero na gumahasa sa lola, pinugutan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa ginawang panggagahasa sa kanyang lola at pagbabantang papatayin pa ang ama ng kanyang kaanak, isang minero ang pinugutan ng ulo ng isa pang apo ng matandang biktima bilang paghihiganti sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang pinugutang biktima na si Rudy Tamparong, nasa hustong gulang, binata at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Puting Bato ng lungsod.

Sumuko naman ang suspek na si Jomelen Leoma Tamba, 25-anyos, walang hanapbuhay, residente ng Purok 2 ng nasabing barangay matapos ang ginawang krimen.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas -7:30 ng gabi  ng isuko ng kanyang kamag-anak na si Rodelio Leoma, Brgy. Kagawad sa Brgy. Calamba ng lungsod ang suspek sa pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa lugar nang dumating ang suspek at magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo dahil ginawang panghahalay ng una sa kanilang lola.

Dahil dito, nagbanta  pa umano ang biktima na papatayin ang ama ng suspek kaya sa matinding galit ay agad na kinuha nito ang isang bagong hasang itak at saka walang sabi-sabing tinagpas ang leeg ng nasabing minero. Bunsod nito lumaylay ang napugot na ulo ng biktimat tanging balat na lamang ang kakabit sa leeg nito.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na u­mabot na sa sukdulan ang galit ng suspek sa biktima at dahilan sa ginahasa nito noong nakaraang linggo ang kaniyang lola na naipa-blotter pa sa pulisya sa kanilang lugar  pero hindi ipinursige ng matanda ang kaso.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CABADBARAN CITY

DAHIL

JOMELEN LEOMA TAMBA

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

PUTING BATO

RODELIO LEOMA

RUDY TAMPARONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with