^

Probinsiya

Alitan sa lupa: Kelot inutas

Pilipino Star Ngayon

Macalelon, Quezon, Philippines – Isang lalaki ang napaslang matapos hamunin ng 2 suspek sa isang duwelo dahil umano sa sigalot sa lupa sa Barangay San Jose, sa bayang ito, mismong araw ng Undas. 

Batay sa salaysay ni Christian Rowy, 21, kasama niya umanong gumagawa ng “copra” ang kanyang kapatid na si Ariel Rowy Aquino, 26, bus conductor ng biglang dumating ang 2 suspek na sina Ezar Rowy at Marvin Petero bandang alas-8 ng umaga. 

Hinamon ni Ezar ang biktima at sinabi na “Simulan na natin ito,” sabay bumunot ng baril at pinaputukan ang magkapatid na Christian at Ariel.

 Mabilis na tumakbo si Christian at nakarinig siya ng dalawang putok mula sa lugar at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Gayunman, bangkay na ang biktima ng abutan ng mga nagrespondeng awtoridad at mga brgy. tanod. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan. Michelle Zoleta/Tony Sandoval

 

ARIEL ROWY AQUINO

BARANGAY SAN JOSE

BATAY

CHRISTIAN ROWY

EZAR

EZAR ROWY

GAYUNMAN

MARVIN PETERO

MICHELLE ZOLETA

TONY SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with