^

Probinsiya

Motor sinuwag ng jeepney, 1 dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isa katao ang nasawi habang isa pa ang nasa malubhang kondis­yon makaraang aksidenteng salpukin ng isang pampasaherong jeepney ang kasalubong nitong motorsiklo sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Kinilala ni  Supt Carlos Barde, hepe ng pulisya sa lungsod na ito  ang nasawing biktima na si Arnel Bonuel 23 anyos binata. Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang kaibigan nito na si Jervis Mamaril, 23 binata.

Arestado naman ang driver ng pampasaherong jeep na si Gabriel Serna. 41-anyos  ng Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Manaig may hawak ng kaso, alas-5:20 ng mada­ling-araw ng maganap ang insidente.

Kasalukuyang sakay ang mga biktima ng kuly itim na motorsiklong Suzuki na ipaparehistro pa lamang ng mga ito nang salpukin ng kasalubong na pampasaherong jeepney (DWS 615 )  na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay humagis ang dalawang biktima sa motorsiklo bago bumagsak sa espaltadong kalsada na ikinasawi at ikinasugat ng mga ito.

 

vuukle comment

ARESTADO

ARNEL BONUEL

BACOOR CITY

GABRIEL SERNA

JERVIS MAMARIL

MOLINO-PALIPARAN ROAD

RONALD MANAIG

SUPT CARLOS BARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with