^

Probinsiya

Kano kalaboso sa pananadyak sa ari ng pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 25-anyos na Kano matapos nitong alipustain  at tinadyakan pa sa ari ang isang pulis na rumesponde sa pagwawala ng dayuhan sa Boracay Island, bayan ng Malay, Aklan kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Aklan PNP na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Robert Jones, nahaharap sa kasong direct assault sanhi ng pananakit at pagmumura kay PO1 Gregorio Ventura, 24.

Naganap ang insidente sa dalampasigan ng Barangay Manoc-Manoc na pamosong beach resort na dinarayo ng mga turista sa Aklan.

Nabatid na humingi ng tulong ang mga staff ng Don Vito Restaurant kay PO1 Ventura dahil may dalawang dayuhang babaeng senglot na hindi na makagulapay.

Kaagad namang rumes­ponde si PO1 Ventura pero dumating ang suspek na na  nasa impluwensya rin ng alak kung saan pinagmumura at inalipusta ang nasabing rookie cop.

“Fucking police. I’ll kick your ass, you asshole. Police here in the Philippines are nothing. You are a chicken,” sabay tadyak sa ari ng biktima.

Agad namang inaresto ni PO1 Ventura ang nagwawalang Kano na ngayo’y nahaharap sa kasong direct assault upon a person in authority.

Gayon pa man, nagawang makapagpiyansa ng P18,000 ang suspek para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

vuukle comment

AKLAN

BARANGAY MANOC-MANOC

BORACAY ISLAND

CAMP CRAME

DON VITO RESTAURANT

GREGORIO VENTURA

KANO

ROBERT JONES

VENTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with