^

Probinsiya

Lider ng NPA na pinutulan ng paa, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na ituring na inutil ng kaniyang mga kasamahang rebelde sanhi ng pagkaputol ng dalawang paa, gumising na sa katotohanan ang 29-anyos na lider ng New People’s Army (NPA) nang magdesisyong sumuko sa mga awtoridad sa bayan ng Baganga, Davao Oriental kamakalawa.

Kinilala ni AFP –Eastern Mindanao Command Spokesman Captain Alberto Caber, ang sumuko na si Josan “Rico” Aquino, dating team leader ng Guerilla Front 15 sa nasabing bayan.

Si Aquino ay sumuko sa tropa ng 67th Infantry Battalion sa Barangay Salingcamot sa tulong na rin ng mga opisyal ng barangay.

Ibinulgar ni Aquino na pinutol mismo ng kanyang kasamahan ang kanyang mga paa matapos masugatan sa engkwentro noong Nobyembre  2011 bago siya ipinagamot sa ospital.

Nabatid na matinding galit ang nadama ni Aquino sa mga kasamahan dahil hindi na raw siya makapamumuhay ng normal dahil putol na ang kanyang mga paa na kung dinala lamang siya kaagad sa ospital ay maaa­ring naisalba pa ito.

 â€œHis leg was cut-off by NPA leader during the said encounter before treatment in a hospital that’s why he regret joining the NPA movement,” dagdag pa Caber.

Kaugnay nito, bilang inis­yatibo naman sa pagsuko ni Aquino, sinabi ni Caber na pagkakalooban ito ng livelihood package para kahit papaano ay maitaguyod ang pamumuhay nito.

AQUINO

BAGANGA

BARANGAY SALINGCAMOT

DAVAO ORIENTAL

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKESMAN CAPTAIN ALBERTO CABER

GUERILLA FRONT

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

SI AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with