Buntis patay sa kawatan
QUEZON, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 5-buwang buntis na misis matapos itong tadtarin ng saksak ng di-kilalang lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Magsaysay, bayan ng Guinayangan, Quezon kahapon ng umaga. Bandang alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Angelica Jara Tajonar, 22. Narekober din ang mga personal na gamit ng biktima na may ilang metro ang layo sa crime scene. Pinaniniwalaang pumalag sa kawatan ang biktima kaya inundayan ng sunud-sunod na saksak saka tinangay ang kanyang mga gamit subalit itinapon dahil hindi mapakikinabangan.
- Latest