^

Probinsiya

Katiwala ng plantasyon, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   - Bulagta ang dating sundalo na katiwala ng oil palm plantation matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Gambodes sa bayan ng Arakan, North Cotabato, kahapon. Sa ulat na nakarating sa Arakan PNP, kinilala ang biktima na si Glen Areola, katiwala ng may-ari ng plantasyon na si ex-Matalam Councilor Saturnino Amatac. Nabatid na bago patayin ang biktima ay dinisarmahan muna ng mga rebelde ang mga tauhan ng plantasyon na nagbabantay. Inabandona naman ng mga rebelde ang sasakyan na kanilang ginamit sa hangganan ng Arakan at Bukidnon partikular sa Brgy. Gutalib, bayan ng Kitao-tao, Bukidnon.

ARAKAN

BARANGAY GAMBODES

BRGY

BUKIDNON

BULAGTA

GLEN AREOLA

GUTALIB

INABANDONA

MATALAM COUNCILOR SATURNINO AMATAC

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with