^

Probinsiya

3 itinumba sa pot session

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Pinabu­lagta ang tatlong kalalakihan habang dalawang iba pa ang nasa kritikal na kalagayan sa naganap na pamamaril ng dalawang di-kilalang lalaki sa isinagawang pot session sa Barangay Fatima 5, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina Ado­nis Reyes, 32; Bryan Ma­ningas, 25; at si Boogie Sanchez, 36, bus driver, ng Barangay San Pedro habang malubha naman sina Marita Montes, 36; at Lamberto Del Rosario, 29, bus driver.

Ayon kay PO2 Melvin Rogero, nagpa-pot session ang mga biktima sa bahay ni Reyes nang pasukin at ratratin ng dalawang lalaki na naka-bonnet.

Narekober sa crime scene ang 16-basyo ng bala ang cal. 45 pistol, 3-sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo ng gunmen kaya isinagawa ang pamamaril sa mga biktima.

 

vuukle comment

BARANGAY FATIMA

BARANGAY SAN PEDRO

BOOGIE SANCHEZ

BRYAN MA

LAMBERTO DEL ROSARIO

MARITA MONTES

MELVIN ROGERO

REYES

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with