Sinibak sa trabaho, nagbigti
October 10, 2013 | 12:00am
CAVITE, Philippines — Nagpasalubong kay kamatayan ang 46-anyos na mister na sinasabing sinibak sa trabaho matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng umaga. Ayon kay P03 Romar Sinnung, bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting katawan ng biktimang si Joseph Valencia ng Blk 5, Lot 24, East 2, King Fisher Street sa naÂsabing barangay. Pinaniniwalaang desperado ang biktima dahil sa kawalan ng trabaho kaya nagdesisyong mag-suicide.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended























