^

Probinsiya

Dalaga sex-slave ng rebel returnee

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napariwara ang kinabukasan ng 17-anyos na dalaga matapos itong gawing sex slave ng 22-anyos na rebel returnee sa Brgy. Casambalangan sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan noong nakalipas na buwan. Sinampahan ng kasong rape sa Department of Justice ang suspek na si Oliver Duerme, tubong Islas ng Camiguin, Cagayan. Ayon kay PO1 Analyn Aytona ng Women’s and Children’s Desk,  ang suspek ay nakilala ng biktima sa ginanap na handaan sa Brgy. San Vicente kung saan siya unang ginahasa noong gabi ng Sept. 16. Tinakot at kinaladkad ng suspect ang biktima sa isang bahay sa Brgy. Casambalangan kung saan siya itinago at ginahasa pa ng ilang beses hanggang Sept. 18.
 Nakatakas ang biktima noong Sept. 19 ng madaling-araw matapos makatulog ang suspek  kung saan isinalaysay nito ang insidente sa mga magulang kaya nasakote ang suspek.

 

vuukle comment

ANALYN AYTONA

AYON

BRGY

CAMIGUIN

CASAMBALANGAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISLAS

NAKATAKAS

OLIVER DUERME

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with