^

Probinsiya

Estudyante kritikal sa saksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa larong basketball, nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang high school student matapos itong saksakin ng kapwa estudyante sa gitna ng mainitang pagtatalo sa General Santos City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jimboy Sandag, 20, estudyante sa New Society National High School sa lungsod na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sumuko naman  sa pulisya ang suspek na si Melvin John Barreta, 18-anyos, matapos ang insidente.

Sa inisyal na ulat ng General Santos City Police, naganap ang insidente bandang alas-4 ng hapon habang naglalaro ng basketball ang mga biktima na nagpupustahan sa maisho-shoot na bola sa ring.

Base sa imbestigasyon, nagkainitan ang dalawang estudyante matapos na makapuntos ng mas marami ang huli kumpara sa suspek kaya’t sinaksak ng kutsilyo ang biktima.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa detention cell ng General Santos City Police ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

 

vuukle comment

BIKTIMA

DAHILAN

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY POLICE

JIMBOY SANDAG

KASALUKUYAN

KINILALA

MELVIN JOHN BARRETA

NEW SOCIETY NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with