^

Probinsiya

6 katao minasaker ng Akyat-Bahay gang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang anim katao kabilang ang isang mag-ina at kanilang mga kasambahay  habang nasa kritikal namang kondisyon ang padre de pamilya matapos ang mga itong pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng Akyat-Bahay gang sa madugong nakawan sa isang subdibisyon sa San Fernando City, Pampanga nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Ricardo David, hepe ng San Fernando City Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Corazon Salas Edejer, 47; anak nitong si Kenneth, 19; mga kasambahay na sina Nelson Dominico, 17; Teresita Lansangan-Camiling, 40, Benigno “Bong” Ingar Jr., 52; at isang alyas Kaykay, 27-anyos; pawang ng #19 Molave St., L&S Subdivision, Brgy. Telabastagan ng lungsod.

Nasa kritikal namang kondisyon sa Sacred Heart Hospital ang mister ni Corazon, may-ari ng pinasok na bahay na kinilalang si Nicolas, 42 anyos, nagtamo ng tama ng bala sa ulo. Ang mag-asawang Edejer ay fish dealer at may money lending business.

Ang mga nasawing biktima ay pawang  pinapuruhan ng tama ng bala sa ulo, ayon pa sa pulisya.

Samantalang nakaligtas naman sa insidente ang dalawang anak ng mag-asawang Edejer na isang 17 anyos na dalagita at isang siyam na taong gulang na batang lalaki dahil wala ang mga ito sa kanilang tahanan.

Base sa imbestigasyon, nadiskubre lamang ang krimen matapos na umuwi ang batang lalaki pasado alas-8  ng gabi galing sa paglalaro sa bahay ng kaibigan nito.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol kung saan wala umanong narinig na putok ng baril ang mga kapitbahay ng mag-asawang negosyante kaya pinaniniwalaang gumamit ng silencer ang mga kawatan.

Samantalang tumakas ang mga suspek tangay ang hindi pa madeterminang halaga at mga alahas gamit ang pickup ni Nicolas kung saan natagpuan ang behikulo na inabandona sa isang liblib na lugar sa Concepcion, Tarlac. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

CORAZON SALAS EDEJER

EDEJER

INGAR JR.

MOLAVE ST.

NELSON DOMINICO

NICOLAS

RICARDO DAVID

S SUBDIVISION

SACRED HEART HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with