^

Probinsiya

Bahay niratrat: 2 todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawa katao ang nasawi habang sugatan naman ang isang mag-ina matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang ilang kabahayan sa isang komunidad sa bayan ng Salug, Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng gabi. 

Kinilala ang nasawing biktima na sina Nestor Lamdag, 59 anyos at Charlo Partosa, 39; pawang dead-on-the-spot sa insidente matapos na mapuruhan ng tama ng bala sa sensitibong bahagi ng katawan. 

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Liloy District Hospital ang sugatang mag-ina na sina Emily Graton, 21 anyos, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita at anak nitong si Emaiza, 2 anyos, nasugatan naman sa kanang paa. 

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel  Huesca, bandang alas-8:45 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa bahay ni Partosa  sa Brgy.Balakan ng bayang ito. 

Samantalang bandang alas-10:30 naman ng gabi nang pagbabarilin rin ang tahanan ni Jonard Ubod, 30-anyos, live-in-partner ni Graton at Lamdag sa nasabi ring lugar. 

Sa imbestigasyon, kasa­lukuyan ng mahimbing na natutulog ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan  na armado ng M14 rifle at cal.45 pistol saka pinagbabaril ang tahanan ng mga biktima.

 

vuukle comment

AYON

CHARLO PARTOSA

EMILY GRATON

JONARD UBOD

LILOY DISTRICT HOSPITAL

NESTOR LAMDAG

POLICE REGIONAL OFFICE

SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR ARIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with