^

Probinsiya

Mister naglason dahil sa selos

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

SOUTH COTABATO, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 32-anyos na magsasaka matapos uminom ng lason dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang asawa kamakalawa sa Barangay San Miguel sa bayan ng Norala, South Cotabato. Sa salaysay ng ina na si Melba Marcelino, matagal nang may sama ng loob ang kanyang anak na si Genesis Marcelino  sa asawa nitong si Analie Marcelino dahil may ka-textmate umano itong iba.  Nagdiriwang ng kaarawan ang isa sa dalawang anak ng mag-asawang Marcelino noong Martes nang umuwi si Analie mula sa apat na buwang pagtatrabaho sa ibang lugar. Nabatid din sa kanyang anak na sasama sa kanyang textmate ang kanilang nanay at iiwan na sila. Dahil dito, naglasing ang biktima at naglabas ng sama ng loob hanggang sa uminom ng lason ang biktima nang malaman na uminum din ito ng lason.

ANALIE

ANALIE MARCELINO

BARANGAY SAN MIGUEL

DAHIL

GENESIS MARCELINO

KASALUKUYANG

MARCELINO

MELBA MARCELINO

NABATID

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with