Ambush: Mister patay, misis grabe
BULACAN , Philippines – Napaslang ang 31-anyos na negosÂyanteng mister habang kritikal naman ang misis nito matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa madilim na bahagi ng Barangay Sto.Niño, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Sagrada Hospital ang biktimang si Ryan Hipolito habang patuloy pa ring ginagamot si Evangeline Hipolito, 31, kapwa nakatira sa Barangay Barangka sa nasabing bayan. Base sa ulat ng pulisya, papauwi na ang mag-asawang Hipolito lulan ng Toyota Vios (ZAV 611) nang ratratin pagsapit sa madilim na bahagi ng Luis Tongco Street sa nasabing barangay bandang alas-11 ng gabi.
- Latest















