^

Probinsiya

Trader itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 33 anyos na negos­yante makaraan itong pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa harapan ng isang travel agency sa Brgy. Luciano, Trece Martirez City kamakalawa ng gabi.

Sabog ang bungo bukod pa sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Ronald Adubal, may asawa, negosyante at naninirahan sa #51 Brgy. Luciano ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Eugene Baird may hawak ng kaso ganap na alas-6:10 ng gabi ng maganap ang insidente habang nakatayo umano ang biktima sa tapat ng Port 2 Travel and Tours Agency sa nasabing lugar.

Bigla na lamang sumulpot ang mga armadong suspek at pinagbabaril ang negosyante na pinuntirya ng ilang sunud-sunod na putok sa ulo bago sa katawan.

Agad na bumulagta ang biktima habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow up operations ang pulisya sa kasong ito. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BIGLA

BRGY

EUGENE BAIRD

LUCIANO

NAREKOBER

PATAY

RONALD ADUBAL

TRAVEL AND TOURS AGENCY

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with