^

Probinsiya

Kababatang nambu-bully binoga ng binu-bully

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa sukdulan ang itinatagong poot ng isang 22 anyos na binata matapos nitong pagbabarilin at mapatay ang kaniyang kababata na pala­ging nambu-bully sa kaniya sa naganap na krimen sa Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alimar Sumbilon Jabonillo, 23 anyos  habang ang suspek ay nakilala namang si Jonathan Ocaba, 22 anyos; pawang residente ng Brgy. Duljo Fatima sa lungsod na ito.

Sa ulat ng Cebu City Police, naganap ang insidente sa bisinidad ng Spolarium St, Brgy. Duljo Fatima, Cebu City dakong alas-6:30 ng gabi nitong Huwebes.

Arestado naman ng mga nagrespondeng operatiba ng Cebu City Police ang suspek na si Ocaba na inamin ang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa nasabing kalye para bumili ng pagkain sa carinderia nang bigla na lamang itong pagbabarilin ni Ocaba gamit ang .45 caliber pistol.

Ang biktima ay dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa Cebu City Medical Cen­ter ang suspek matapos itong kuyugin at bugbugin ng galit na mga kapitbahay bunga ng insidente.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon base na rin sa pag-amin ng suspek na naubos na umano ang kaniyang pasensya sa  biktima dahil bata pa lamang ay binu-bully na siya nito kaya naisipang bumili ng baril para gumanti.

 

vuukle comment

ALIMAR SUMBILON JABONILLO

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CEN

CEBU CITY POLICE

DULJO FATIMA

JONATHAN OCABA

OCABA

SPOLARIUM ST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with