^

Probinsiya

Misis, lover kritikal sa saksak ng mister

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 32-anyos na misis at kalaguyo nito makaraang saksakin ng kanyang mister na naaktuhang magkatabi sa kuwarto ng kanilang bahay sa Barangay Camachile sa bayan ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Naisugod sa magkahiwalay na ospital ang mag-lover na sina Apolonio Rosales, 22; at Lorily Violata habang napatay naman ang utol ni Apolonio na si Rodolfo Rosales, 20.

Samantala, sumuko sa pulisya ang suspek na si Michael Violata, 32, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Manuel De Vera, napaaga ng uwi ang suspek kung saan nagmamadaling pumasok sa kanilang kuwarto.

Dito niya naaktuhang magkatabing natutulog ang kanyang misis kung saan inundayan nito ng saksak ang mag-lover.

Sa pag-aakalang napatay ang dalawa ay agad pinuntahan ang bahay ng pamilya Rosales at pinagbalingan saksakin  sa dibdib ang utol ni Apolonio na si Rodolfo na natutulog.

vuukle comment

APOLONIO

APOLONIO ROSALES

BARANGAY CAMACHILE

LORILY VIOLATA

MANUEL DE VERA

MICHAEL VIOLATA

REMEDIOS TRINIDAD

RODOLFO ROSALES

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with