3 tindahan tinupok ng apoy
CAMARINES NORTE, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milÂyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang tatlong tindahan sa talipapa sa Barangay Dayangdang, Naga City, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Bandang alas-11 ng gabi nang magsimulang kumalat ang apoy sa nasabing lugar kung saan isa sa tindahan na pag-aari ni Cecil San Buenaventura ay nilamon ng apoy. Sa ulat ni F/Insp. Peter Mendoza, posebling short circuit ang isa sa pinagmulan ng apoy habang patuloy naman ang imbestigasyon. Wala namang napaulat na nasugatan o kaya namatay sa nasabing sunog. Dismayado naman ang ilang may-ari ng tindahan dahil sa pagkawala ng kanilang kabuhayan kung saan nalalapit pa naman ang selebrasyon ng kapistahan ngayong Setyembre.
- Latest