^

Probinsiya

Desisyon ng CSC nirerespeto ni Gov. Vi

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Irerespeto ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang magiging desisyon ng Civil Service Commission  (CSC) kaugnay sa kinakaharap na kaso ng kanyang provincial administrator na sinasabing pineke nito ang resulta ng career service eligibility test.

Nagbigay ng pahayag ni Gov. Vi matapos ipag-utos ng CSC ang dismissal ni Batangas provincial admi­nistrator Victor “Vic” Reyes nang ilahad nito sa kanyang Personal Data Sheet na pumasa siya sa professional eligibility test noong December 10, 2004. Subalit sa tala ng CSC, walang ibinibigay na exam sa binabanggit na petsa ni Reyes.

Sa ipinalabas na 12-pahinang desisyon ng CSC noong Hunyo 25, 2013, lumilitaw na guilty si Reyes sa mga kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Falsification of Official Documents and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service na nilagdaan nina  CSC Chairman Francisco Duque III, Commissioners Robert Martinez, Nieves Osorio at Director Dolores Bonifacio.

Gayon pa man, sinabi ni Gov. Vi, nais lang anyang magkaroon ng due process sa kaso ni Reyes nang maghain ng motion for reconsideration ang admi­nistrador sa CSC en banc.

 â€œLet’s wait for the final decision, kapag napatunayan ng CSC o kung saan mang korte ito makarating at napatunayang guilty si Reyes, then so be it, I don’t have any choice but to follow the law,” pahayag pa ng gobernadora

Si Reyes na dating alkal­de sa bayan ng Padre Garcia ay itinalaga na maging administrator noong 2007.

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CHAIRMAN FRANCISCO DUQUE

CIVIL SERVICE COMMISSION

COMMISSIONERS ROBERT MARTINEZ

CSC

DIRECTOR DOLORES BONIFACIO

FALSIFICATION OF OFFICIAL DOCUMENTS AND CONDUCT PREJUDICIAL

GRAVE MISCONDUCT

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with