2 fetus itinapon sa basurahan
LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Hindi na binigyang buhay ang kambal na fetus na itinapon ng di-kilalang babae sa basurahan na nasa gilid ng waiting shed sa Balili, La Trinidad Benguet noong Sabado ng umaga. Napag-alamang inaÂayos ni Nora Felipe ang basurahan sa malapit sa Mamaga Waiting Shed nang mapansin nito na plastic bag na duguan. Nang usisain ni Felipe ang nilalaman ng bag ay bumungad ang kambal na fetus kaya kaagad nitong ipinagbigay-alam sa opisyal ng barangay na si Jones Segundo kung saan inimpormahan naman sina SPO1 Agnida Marcelino at PO1 May Ann Moncado Dinala sa Benguet General Hospital bago inilipat sa La Trinidad Municipal Health Nurse ang kambal na fetus.
- Latest