^

Probinsiya

5 pagyanig sa Taal Volcano

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtala ng limang volca­nic quakes ang Taal  Volcano sa Batangas sa loob ng 24-oras habang nagbuga naman ng puting usok ang Mayon volcano sa Albay, ayon sa ulat ng  state vulcanologist kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Ins­titute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nasa alert level 1 ang Taal kung saan pinaalalahanan naman ang publiko panatilihing lumayo sa bibig ng bulkan o sa mismong main crater nito.

Gayon pa man, ang pinakabunganga nito ay istriktong ipinagbabawal na puntahan dahil sa biglaang pagbuga ng usok dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases.

Ang bahagi ng hilaga sa gilid ng bunganga sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay magiging mapanganib kapag ang sumingaw kasama ang mga umiiral na pagputok ay biglang tumaas.

Hindi rin inirerekomenda ng kagawaran ang pananatili sa isla at ang kabuuang isla ng Volcano ay isang permanent danger zone.

Samantala, ang Mayon Volcano sa Bicol ay hindi naman nagrehistro ng volcanic quake sa loob ng 24-oras, pero nagbubuga ito ng puting usok na inaanod pa kanluran-silangan, kanluran at kanluran hilaga-kanluran.

Naobserbahan din na may maputla sa bunganga ng bulkan noong Sabado ng gabi.

Dahil abnormal ang kondisyon nito, pinaalalahan din ng Phivolcs ang publiko na lumayo sa 6-km permanent danger zone.

ALBAY

BATANGAS

BICOL

DAANG KASTILA TRAIL

DAHIL

GAYON

MAYON VOLCANO

PHILIPPINE INS

VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with