Magkaibigan kisay sa kuryente
CAVITE, Philippines – Nagkikisay at namatay ang isang mister habang kritikal naman ang kaibigan nito matapos makuryente kamakalawa ng gabi sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang namatay na si Renato Relina habang malubha naman si John Buendia, security guard at nakatira sa Barangay San Agustin 2, Dasmariñas City. Base sa police report, magkatuwang ang magkaibigan na nag-aayos ng linya ng kuryente sa bahay ni Buendia nang mahawakan ang talop na linya ng kuryente. Dito na nagkikisay ang dalawa kung saan namatay si Relina.
- Latest