Triggerman kinasuhan
TUGUEGARAO CITY, Philippines- Sinampahan na sa Department of Justice kamakaÂlawa ng kasong murder ang isang konsehal ng bayan sa Ilocos Norte matapos itong iturong triggerman sa kasong pagpatay noong nakaraang linggo sa Brgy. Guerrero, Bayan ng Dingras.
Kinilala ni Ilocos Norte Police Spokesman Supt. Malvin Napiloy ang kinasuhan na si Councilor Nathaniel Taylan II na itinuro ng asawa ng biktimang si Glen Dichoso Guerrero.
Ayon sa misis ng biktima, kinausap pa ng suspek ang kanyang mister ng ilang minuto bago ito pinabulagta sa kanyang harapan.
Kasamang sinampahan ng kaso bilang mga lookout sa pagpatay ay ang anak ni Dingras Vice Mayor Jeffrey Saguid na si Nelson at isang nagngangalang Brixton Aquino.
Ayon kay Dingras Mayor Erjo Valenzuela, nabigla siya sa pagkakasangkot ng konsehal at anak ng kanyang bise alkalde sa kaso. Sinabi ni Valenzuela na una na niyang kinausap ang biktimang si Guerrero na iwasan na ang droga.
- Latest